All-set na ang ibat-ibang aktibidad para sa pagdiriwang ng Kasa Kaza 2022 festival na magsisimula sa June 27 hanggang July 2,2022.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dapitan City Tourism Officer Ms. Apple Agolong, kaniyang sinabi na ang nasabing aktibidad ay isang jubilation para sa victory ng mga lumads at subanens sa probinsiya ng Zamboanga del Norte.
Sinabi ni Agolong ang ibig sabihin ng Kasa Kaza ay Kadaugan sa Katawhan sa Zanorte.”
Highlight ng nasabing weeklong Kasa Kaza 2022 ang inauguration ni Zambo Norte Gov-elect Rosalina Jalosjos at Dapitan City Mayor-elect Seith Frederick Jalosjos.
Si Jalosjos ay pormal na uupo bilang Governor ng Zamboanga del Norte sa June 30,2022, alas-12:00 ng tanghali.
Ang Kasa Kaza ay simbolo ng new governance at isang administration na ang puso ay para sa publiko.
Ang inaugural Ceremony ni Governor Nene Jalosjos ay gagawin sa Sports Complex sa July 2,2022.
Ilang mga prominenteng artists mula sa Manila ang makikibahagi sa ibat ibang aktibidad.
Nakalatag na rin ang seguridad ng PNP sa Zamboanga del Norte na suportado ng Philippine Army 1st Infantry Division.
Ayon kay Ms. Agolong nasa 400 na mga pulis ang idi-deploy sa weeklong activities ng Kasa Kaza 2022.
Bukod sa mga pulis, may mga sundalo din ang ipapakalat para magbigay seguridad bilang suporta sa PNP.
Aniya bagamat wala naman silang namomonitor na banta, hindi sila nagpapakampante.
Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Ms Agolong na striktong nasusunod pa rin ang health protocol lalo at nasa nasa pandemic pa rin ang bansa.
Bilang Tourism officer chief ng Dapitan, kaniyang inanyayahan ang ating mga kababayan na nais magtungo sa kanilang lugar.
Ang siyudad ng Dapitan ay isa sa mga tourist destination sa Zamboanga Peninsula at kilalang lugar din kung saan na- exile at nanirahan ang Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal.