-- Advertisements --

Proud na proud ngayon si Karen Ibasco sa BINI matapos ang matagumpay nitong pag-perform sa Coachella.

Sa isang Instagram post, sinabi ng dating Miss Earth at personality development mentor ng grupo na lubos siyang nagagalak na maging bahagi ng journey ng BINI patungo sa international stage.

Ayon kay Karen, masaya siyang makita ang progreso ng grupo mula sa kanilang pagsisimula hanggang sa kanilang kasalukuyang tagumpay sa global music scene.

Binigyang-diin din niya na nagbunga ang lahat ng pagsasanay at pagsusumikap ng girl group.

Si Karen ay kinikilalang ikaapat na Pilipinang nagwagi sa Miss Earth crown, na kanyang nakuha noong 2017.

Ang BINI ang kauna-unahang Filipino group na nakapag-perform sa Coachella, kung saan nagtanghal sila ng 10 kanta sa loob ng 45 minutong set sa Mojave stage sa California.

Bukod dito, nagkaroon din sila ng surprise appearance sa performance ng British-Ivorian singer na Flowerovlove.