Pabor ang ilang kongresista sa pagtayo ng hubs sa bansa para sa Philippine offshore gaming operators (POGOs).
Sa isang statement, sinabi ni ACT-CIS party-list Rep. Niña Taduran at Eric Yap na wala siyang nakikitang problema dito hangga’t sa kompleto sa mga ligal na dokumento ang mga foreign workers na mayroon ito, na karamihan ay pawang mga Chinese.
Hanggang sa wala naman aniyang paglabag sa mga karapatan ng mga empleyadong ito, pabor sila sa pagkakaroon ng mga POGO hubs.
Suportado raw nila ito pero dapat itatayo sa isang lugar lang para mas madali na rin sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) Oriental Game ang pagbantay sa mga ito.
Nabatid na si Yap ang chairman ng House committee on games and amusement, na kinalampag ng Makabayan bloc na magsagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang epekto ng POGOs sa mga Pilipino, sa ekonomiya at seguridad ng bansa.