-- Advertisements --

Lumabas sa halos lahat ng mga samples na dinala sumailalim sa genome sequencing ay pawang Omicron variant ng COVID-19.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na mayroong 90 percent ng Omicron variant ang nakita sa whole-genome sequencing.

Ito ay mas mataas ng 30 percent sa naunang 60 percent na iniulat ng kalihim noong nakaraang linggo.

Nalagpasan na rin ng Omicron ang Delta bilang dominant variant sa COVID-19 sa bansa.