-- Advertisements --
Naglagay ng karagdagang toll collectors ang Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC).
Kasunod ito ng inaasahang pagdagsa ng mga sasakyan sa North Luzon Expressway (NLex) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) at ang Cavite Expressway.
Maglalagay ng 700 tollboths at mga karagdagang guwardiya sa lugar.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng contingency plan ng MPTC “Safe Trip Mo Sagot Ko” campaign na nagsimula mula Abril 15-22.