Napigilan ng isang female party-goer ang posibleng karagdagang insidente ng mass shooting sa Amerika.
Ito’y matapos binaril-patay nito ang isang lalaki na biglang nagpaulan ng mga bala sa public area gamit ang semi-automatic rifle .
Target ng suspek na barilin ang grupo ng 30 hanggang 40 katao sa Charleston, West Virginia.
Sinabi ng tagapagsalita ng pulisya na si Tony Hazelett na ang mabilis na reaksyon ng babae ay nagligtas ng mga buhay.
Dumating ito sa gitna ng national debate tungkol sa mga baril pagkatapos ng pamamaril sa paaralan sa Texas.
Ang suspek ay nagmamaneho sa lugar nang binalaan siyang magdahan-dahan dahil naglalaro ang mga bata.
Bumalik ito na armado ng AR-15-type rifle at pinaputukan ang nagsagawa ng birthday-graduation party sa labas ng apartment complex sa lungsod.
Sinabi ni Mr Hazelett sa isang conference na walang anumang background sa pagpapatupad ng batas ang babaeng bumaril sa suspek at hindi rin siya nakilala.
Nanatili sa pinangyarihan ang babae pagkatapos ng pamamaril, at nakikipagtulungan sa mga imbestigador.
Hindi sasampahan ng mga kaso ang babae.
Samantala, ang suspek naman na si Dennis Butler, isang 37-taong-gulang na may malawak na kasaysayan ng krimen, ay natagpuang patay sa pinangyarihan dahil sa maraming tama ng baril.