Pinag-aaralan ngayon ng pamahalaan ang posibilidad na mabigyan ng karagdagang incentives ang mga frontline healthcare workers sa darating na Christmas season.
Ayon kay Health Usec. Roasario Vergeire, aalamin pa nila kung mayroong budget na maaring gamitin para ibigay bilang dagdag na incentives sa mga frontline healthcare workers na magtatrabaho sa Pasko.
Sa ngayon kasi, ayon kay Vergeire, wala namang nakalaan na alokasyon para rito.
Gayunman, iginiit nito na sa ilalim ng umiiral na mga batas, nakakatanggap naman ng regular na bonuses at iba pang incentives ang mga healthcare workers na nagtatrabaho tuwing Pasko.
Sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2), binibigyan nang kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-realign ng pondo para tugunan ang COVID-19 pandemic.
Sakop dito ang para sa incentives ng mga medical professionals na direktang nag-aalaga sa mga COVID-19 patients.










