Nadagdagan pa ng 32 ang bilang ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na dating positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na ngayon ay naka-recover na ang ibinalik na rin sa kani-kanilang mga selda.
Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), ang naturang mga inmates ay dalawang beses na nag-negatibo sa PCR testing.
Matapos mag-negatibo sa test, agad silang inilipat sa security camps kasama ang general population.
Maalalang kahapon ay 13 na inmates ang nag-negatibo na rin sa virus at balik na rin sa kanilang piitan.
Sa latest update mula sa BuCor, aabot na sa 105 PDL ang naka-recover sa COVID-19.
Pinapurihan din ni Director General Gerald Q Bantag ang pagsisikap at sakripisyo ng nga medical personnel at ang pagtutulungan ng BuCor administration.