-- Advertisements --
Screenshot 2020 06 05 11 04 35 56

Ngayong araw ay may dagdag ng mga bus sa ilang lugar sa Metro Manila para tugunan ang kakulangan ng masasakyan ng mga kababayang commuters.

Ayon sa Department of Transportation (DoTr) ngayong araw mismo ay may karagdagang tatlong bus routes sa Metro Manila.

May biyahe ang mga itong Monumento sa Caloocan City papuntang Balagtas, Bulacan ang isa pang ruta ay mula EDSA patungong Montalban, Rizal at ang isa ay papuntang NAIA Loop.

Noong Martes lang ay mayroon na ring rutang Angat, Bulacan patungong Quezon Avenue sa Quezon City at mula Dasmariñas, Cavite naman patungong Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Samantala, bukod diyan sa Lunes ay magkakaroon din ng karagdagang biyahe pa na may rutang Monumento papuntang Valenzuela gateway complex; mayroon ding Gilmore papuntang Taytay, Rizal at Monumento patungng San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon naman sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) makikipagpulong pa raw sila sa mga concerned bus para malaman kung ilan itong units na kaya nilang agad ipabiyahe.

Tiniyak naman ni Transportation Assistant Secretary Goddess Libiran na tuloy-tuloy ang kanilang assessment sa kalagayan ng mga biyahero sa Metro Manila matapos isailalim sa general community quaratine (GCQ).