-- Advertisements --
Muling nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,117 na karagdagang bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Dahil dito, umabot na ang total nationwide caseload sa 3,953,886.
Ang bilang ng mga naka-recover ay 3,862,001 habang ang death ay umabot na sa 63,013 matapos madagdagan ng 32.
Base sa data ng DOH, ang active cases sa bansa ay bumaba naman sa 28,872 mula sa dating 29,525.
Ito na ang ika-limang sunod-sunod na araw na mas mababa sa 30,000 ang kaso ng COVID-19.
Ang National Capital Region (NCR) pa rin ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo na mayroong 14,119 na sinundan ng Calabarzon na may 5,644 at Central Luzon na mayroong 2,940.