-- Advertisements --
Dumating na sa bansa ang 15,000 na second doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines mula sa Russia.
Pasado ala-9 p.m. ng Miyerkules ng dumating ang nasabing mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport.
Magugunitang noong Mayo 1 ng dumating ang unang batch ng Sputnik V vaccine at ito ay ipinamahagi sa Makati, Taguig,
Paranaque, Manila at Muntinlupa.
Nauna na ring sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr na mayroong negosasyon silang ginagawa para sa karagdagang dalawang milyon doses ng bakuna ng Sputnik V.