-- Advertisements --
Pinayuhan ng Royal Canadian Mounted Police ng mga residente ng Saskatchewan provinces na maging vigilante dahil patuloy ang pagtugis nila sa dalawang suspek na nasa likod ng pananaksak.
Ayon kay askatchewan RCMP Commanding Officer Assistant Commissioner Rhonda Blackmore na patuloy ang kanilang pagtugis sa dalawang suspek sa pananaksak na nagresulta sa pagkasawi ng 10 katao at pagkasugat ng 18 iba pa.
Sinampahan na nila ang mga suspek na sina Myles and Damien Sanderson ng kaukulang kaso.
Nagtulong-tulong na ang mga otoridad sa nasabing para sa agarang maaresto ang mga suspek.
Inilagay na rin ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang kanilang Peace Tower Flag sa half-mast bilang pagkilala sa mga nasawing biktima.