-- Advertisements --
Tiniyak ng kapulisan sa Ecuador na maibabalik nila agad ang kapayapaan sa pinakamalaking prison facility matapos ang naganap na kaguluhan na ikinasawi ng nasa 116 na inmates.
Sinabi ni police Commander Tannya Varela na namagitan na sila Penitenciaria del Litoral na matatagpuan sa Guayas province para hindi na maulit pa ng riot.
Nagpadala na sila ng aabot sa 400 kapulsan sa lugar para matiyak na walang magpapasimuno ng kaguluhan.
Magugunitang nagbunsod ang riot sa pagitan ng dalawang gang na nag-aaway para makontrol ang droga sa loob ng kulungan.
Itinanggi naman ni Fausto Cobo ang director ng Center for Strategic Intelligence ng Ecuador na nagkaroon ng bentahan ng droga sa loob ng kulungan at sa halip ay mayroong ibang rason ng kaguluhan aniya.