-- Advertisements --
Patay ang siyam na katao matapos na sila ay pagbabarilin sa isang bar sa Ecuador.
Ayon sa mga otoridad, biglang pumasok ang mga armadong suspek sa loob ng bar kung saan naglalaro ng pool ang mga biktima sa General Villamil Playas sa Guayas province.
Sinabi ni Police Colonel Jhanon Varela na mayroong dalawan biktima ang sugatan sa insidente na agad naman silang dinala ang mga ito sa pagamutan.
Isa ito sa mga pinakamadugong krimen sa bansa kung saan sa unang limang buwan pa lamang ng 2025 ay nakapagtala na ang mga otoridad ng 4,051 na kaso ng patayan.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.