-- Advertisements --
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Gonzalo Duque bilang bagong administrator ng Philippine Coconut Authority (PCA).
Si Duque ay kapatid ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III.
Nabatid na nanumpa na si Duque sa harap ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Malacañang.
Kung maaalala sa State of the Nation Address ni Pangulong Duterte, inihayag nitong naghahanap siya ng matinong tao na itatalaga sa PCA para matiyak na hindi makukurakot ang mahigit P100 billion coco levy fund.