-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nangyaring pananambang sa kapatid ng mataas na opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Western Visayas.

Ang biktima ay si Glenn Peremne,42, nagtatrabaho bilang guwardya sa Iloilo Fish Port Complex at kapatid ni Jail Senior Supt. Gilbert Peremne, Asst. Regional Director ng BJMP Region 6.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Capt. Marlyn Roquero, hepe ng Molo Police Station, sinabi nito na papauwi na sana ang biktima ng pinagbabaril ng riding in tandem suspects.

Ayon sa hepe, dinala pa ang biktima sa ospital, ngunit dahil sa malalang tama ng bala sa kanyang katawan, hindi na ito umabot pa ng buhay.