Binigyan diin ni House Speaker Lord Allan Velasco na kailangan maghanda ng Pilipinas sa iba pang mga pandemya na posibleng kaharapin ng bansa sa hinaharap.
Ginawa ni Velasco ang pahayag na ito matapos na aprubahan ng Kamara kahapon sa ikatlo at huling pagbasa ang Health Procurement and Stockpiling Act, Virology Institute of the Philippines Act, at Philippine Center for Disease Prevention and Control Act.
Ayon kay Velasco, mahalaga ang mga panukalang batas na ito para mapabuti ang kapasidad ng Pilipinas na tugunan ang mga public health crisis na posibleng mangyari sa mga susunod na taon.
Sa ilalim ng House Bill No. 9456 o proposed Health Procurement and Stockpiling Act, papahintulutan ang pamahalaan na mag-imbak ng supply ng mga gamot at vaccines na gagamitin sa panahon na magkaroon ng public health emergencies.
Ang House Bill 9559 naman ay naglalayon na magtatag ng Virology Institute of the Philippines na tatayo bilang premier research at development institution sa larangan ng virology.
Layon naman ng HB 9560 na magtatag ng Center for Disease Prevention and Control na tatayo naman bilang principal health protection agency ng bansa para maiwasan ang pagkalat ng mga sakit at iba pang banta sa kalusugan