KORONADAL CITY – Posibleng maharap sa patung-patong na kaso ang mga itinuturing na frontliners ng Kabus Padatuon (KAPA) Community Ministry International sa muli na naman nilang pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa umano’y pag-operate na ng kanilang investment group.
Napag-alaman na sa Lungsod ng Koronadal ay nag-operate muli ang radyong pagmamay-ari umano ng KAPA kung saan ang mga kasapi nito ay patuloy sa panghihikayat sa mga miyembro na sila ay makakapag-operate muli anumang oras.
kay Atty. Francis Carlos, malinaw ang stoppage order na ipinalabas ng korte sa operasyon ng KAPA kaya dapat sundin ito at kung sinumang lalabag sa nasabing kautusan ng korte ay mananagot sa batas.
Dagdag pa nito, parang ginigisa lamang ng mga frontliners ng KAPA ni Joel Apolinario ang kanilang sarili sa sariling mantika dahil mas magkakaroon ng matibay na ebidensya at maa-identify sila ng mga otoridad lalo na ng National Bureau of Investigation na nagpo-promote sa investment scam.
Kaugnay nito, dapat aniya ay naging leksyon na sa mga mamamayan na umiwas na sa mga ligal na aktibidad dahil marami na ang nabiktima.
Kung maaalala, ipinag-utos mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang closure ng KAPA na tinawag nitong “continuing crime.”