-- Advertisements --

Aabot sa $2-bilyon ang nawala kay Kanye West sa loob lamang ng isang araw.

Kasunod ito sa pag-alis na ng mga kumpanya sa kaniya matapos ang anti-semitic reaksyon nito.

Sa kaniyang Instagram, sinabi nito na kahit na ganoon kalaking perang nawala ay nabubuhay pa rin siya.

Dagdag pa nito sa kaniyang post na mahal niya ang Diyos at hindi ang pera ang bumubuhay sa kaniya.

Magugunitang huling kumpanya na umalis ng partnership sa American rapper ay ang sports brand na Adidas dahil sa hindi katanggap-tanggap ang pahayag nito.