-- Advertisements --

Umabot na sa 1 bilyon streams sa online music streaming service na Spotify ang kantang “Bad Habit” ni British singer Ed Sheeran.

Sa social media, inanunisiyo ng Spotify ang nasabing magandang balita.

Ito na aniya ang pang-10 kanta ng English singer.

Ilan sa mga kanta nito na umabot na sa 1-B streams ay ang “Shape of You”. “Perfect”, “Castle on the Hill”, “Beautiful People:, “Galway Girl”, “Photograph”, “Thinking Out Loud” at “I Don’t Care”.

Sa kaniyang social media ay pinasalamatan ni Sheeran ang mga fans at followers dahil sa patuloy na pagtangkilik sa kaniyang mga kanta.