Labis ang kasiyahan ng singer na si Yeng Constantino matapos na umabot na sa 100 million views sa YouTube ang kanta nitong “Ikaw”.

Inilabas ang kanta noong 2014 na ginawa mismon ni Constantino para sa nobyo pa lamang niya noon na si Victor Asuncion bago sila ikinasal noong Pebrero 2015.

Pinasalamatan nito ang kanyang mga fans na sumuporta sa kaniyang mga kanta.

Itinuturing din ng singer na naging bahagi na ng buhay ng mga Filipino ang nasabing kanta na laging kinakanta sa mga kasiyahan.