-- Advertisements --
Nakamit na ng kantang “Never Gonna Give You Up” ni Rick Astley ang 1 billion views sa YouTube.
Inanunsiyo ito ng YouTube matapos na pumalo sa mahigit 1 bilyon ang views ng sikat na 1987 na kanta ni Astley.
Sa kaniyang social media naman ay pinasalamatan ng singer ang mga fans.
Sumikat ang kanta noong 1987 subalit pormal na nai-upload sa YouTube ang music video nito noong 2009.
Kuwento pa ng singer na nakatulong ang maraming mga memes na lumabas para lalo dumami ang views ng kanta.
Bilang pasasalamat ay maglalabas ang singer ng 2,500 na limited edition copies ng blue vinyl ng kanta at lahat ng mga ito ay pirmado niya.