Welcome para kay Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. ang kanselasyon ng pasaporte ni dating Negros Oriental representative Arnolfo Teves Jr.
Sa isang pahayag, ay muling iginiit ni Sec. Abalos na walang sinuman ang makakaligtas sa hustisya dahil kahit saan man aniya ito magtago ay hahanapin ito ng batas upang panagutin sa mga naging kasalanan nito.
Kung maaalala, batay sa inilabas na statement ng Department of Justice ay sinabi nitong natanggap na nila ang desisyon ng RTC Branch 51 matapos ang ilang buwan na ginawang pagdinig ng korte sa inihaing petisyon ng mga prosecutor.
Naging batayan ng korte sa paglalabas nito ng desisyon hinggil sa pagkakansela ng pasaporte ni Teves ang naging desisyon ng Anti-Terrorism Council na nagdeklara dito bilang isang terorista.
Dahilang kung bakit agad na ipinag-utos sa Department of Foreign Affairs ang agarang pagkasela sa pasaporte ni Teves habang patuloy naman ang ginagawang hakbang ng National Bureau of Investigation upang mapabalik sa bansa ang dating mambabatas.