-- Advertisements --

Asahan pa umano ang aftershocks ng naitalang 5.4 magnitude na lindol sa Central Luzon.

Ayon sa Phivolcs, naitala ito kaninang alas-3:48 ng hapon.

Natukoy ang epicenter sa layong 125 km sa timog kanluran ng San Antonio, Zambales.

May lalim itong 40 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang naitalang pinsala na dulot ng nasabing pagyanig.