-- Advertisements --

Nakuha ni Tarlac stunner Jenny Ramp ang titulong Miss Philippines Earth 2022 sa kabila ng mga pagkaantala dulot ng malakas na buhos ng ulan sa Coron, Palawan ngayong araw.

Natalo ni Ramp ang higit sa 40 kandidata para sa titulong nagha-highlight ng mga adbokasiya para protektahan ang planetang Earth.

Nakuha naman nI Jimema Tempra ng Jasaan, Misamis Oriental ang Miss Philippines Air 2022, habang si Angel Santos ng Trece Martires City ay nanalo bilang Miss Philippines Water 2022.

Samantala, nakuha naman ni Eryka Vina Talavera Tan ng Legazpi City ang titulong Miss Philippines Fire 2022.

Ang Miss Philippines Eco Tourism 2022 ay nasungkit ni Nice Lampad ng Bayugan City.

Pinalitan ni Ramp si Naelah Alshorbaji, na nagtapos sa Top 8 ng Miss Earth 2021.

Sa bahaging question-and-answer, tinanong si Ramp tungkol sa mga laban na kinakaharap niya.

Ang pageant, na ginanap outdoors, ay dapat magsimula sa 8:30 a.m. ngunit inilipat sa ibang pagkakataon dahil sa pag-ulan.

Muli itong itinigil pagkatapos ng anunsyo ng Top 10.

Ang paligsahan sa taong ito ay nabahiran din ng kontrobersya matapos ma-disqualify ang ilang mga bet dahil sa height issues sa kalagitnaan ng kompetisyon.