-- Advertisements --

Naglunsad ng fund raising drive ang kampo ng dating mambabatas na si Walden Bello para sa pagpopondo ng kaniyang legal team.

Kasunod ito sa kaniyang pagkakaaresto nitong Lunes ng hapon ng Quezon City Police District dahil sa kasong cyber-libel.

Nagbunsod ang kaso na isinampa ni dating Davao City Information Offcer Jefry Tupas.

Isinawalat kasi ni Bello na noong nagsagawa ng anti-drug operations ang mga otoridad ng Davao ay nandoon sa lugar si Tupas.

Itinanggi naman ni Tupas ang alegasyon ni Bello kaya ito ay nagsampa ng kaso.

Inaresto si Bello sa kaniyang bahay sa Quezon City at matapos na dalhin ito sa station 8 ng QCPD ay inilipat siya sa Camp Karingal.

Isa sa mga dumalaw kay Bello ilang oras noong ito ay maaresto ay si labor leader Leody De Guzman na naging katandem niya noong nakaraang halalan.

Tumakbo kasing pangulo si De Guzman habang si Bello ang bise-presidente nito.