-- Advertisements --
cropped Janet Lim Napoles 2

Kinokonsidera ng kampo ni Janet Napoles na gamitin ang desisyon ng Sandiganbayan na nagpawalang-sala sa kanya sa 16 na bilang ng graft upang umapela sa kanyang conviction para sa plunder na nakabinbin ngayon sa Korte Suprema.

Ang plunder conviction at graft charges ni Napoles ay may kinalaman sa maling paggamit ng parehong P224-million priority development assistance fund allocation.

Paliwanag ng abogado ni Napoles na si Atty. Sabi ni Rony Garay na ang mga kasong ito ay predicate crime din ng kasong plunder na ngayon ay iniapela sa Korte Suprema.

Tiyak aniya dahil sa panuntunan sa double jeopardy, maaari nilang gamitin ito.

Ang tinutukoy ni Garay ay ang desisyon ng Sandiganbayan noong Disyembre 2018 na nagpawalang-sala kay Sen Ramon Revilla Jr ngunit hinatulan si Napoles ng plunder.

Ibinasura ng Sandiganbayan sa isang desisyon kamakailan ang 16 na kasong graft laban kay Napoles dahil sa kabiguan ng prosekusyon na patunayan na ito’y guilty beyond reasonable doubt.

Ang parehong desisyon ng Sandiganbayan ay naghayag rin na ang pag-endorso ni Revilla sa mga NGO na kontrolado ni Napoles bilang mga tatanggap ng kanyang discretionary fund na opisyal na pinangalanang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ay rekomendasyon lamang at hindi isang act of partiality pabor kay Napoles.

Sa kasalukuyan, nakakulong si Napoles sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City dahil sa kasong plunder.

Bukod sa pandarambong, sa desisyon noong Mayo 19 ng Sandiganbayan ay napatunayang guilty din si Napoles sa dalawang bilang ng malversation at dalawang bilang ng graft kaugnay ng iligal na paglilipat at paggamit ng hindi bababa sa P7.6 milyong halaga ng public funds ng discretionary o pork barrel ng dating kinatawan ng Davao del Sur na si Douglas Cagas.

Ang bawat malversation conviction sa kaso ni Cagas ay may parusang pagkakakulong na 12 hanggang 17 taon bukod sa iba pang mga parusa, habang ang bawat graft conviction ay may anim hanggang 10 taong pagkakakulong.