Nanindigan ang kampo ni dating Negros Orriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. na nakahanda sila para depensahan ito laban sa mga kasong ipinupukol laban sa kaniya.
Ito ay may kaugnayan pa rin sa patung-patong na kasong murder at frustrated murder na kinakaharap nang dating mambabatas hinggil sa pamamaslang kay dating Negros Orriental Governor Roel Degamo, at iba pang mga indibidwal.
Ayon sa abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio, sa napipintong pagbabalik ng kaniyang kliyente sa bansa ay nakahanda raw ang kanilang kampo sa anumang bagay.
Aniya, kahit naman daw kasi maibalik na sa Pilipinas ang arestadong dating kongresista ay magkakaroon pa rin aniya ng trial kung saan magkakaalaman aniya kung ano-anong mga ebidensya ang ilalatag laban sa kaniyang kliyente.
Una nang sinabi ni Topacio na tuloy ang magiging pagdinig sa kaso ni Teves at pagkalipas pa aniya ng 15 araw ay magpapatuloy ay atsaka pa lamang malalaman ang disposition kay Cong. Teves habang kasalukuyan pang bineberipika ng pamahalaan ang kahilingan ng Pilipinas at International Criminal Police Organization para sa kaniyang kustodiya.
Kung maaalala, ang pagkakaaresto kay Teves ay batay sa inilabas na red notice ng Interpol laban sa kaniya noong Pebrero 2024 kung saan hinuli siya ng mga otoridad ng Timor Leste sa Dili, East Timor habang siya ay naglalaro ng golf. // amrs
Samantala, iniulat ng National Bureau of Investigation na gusto ng presidente ng Timor Leste na si Jose Ramos Horta na kagaad maibalik sa Pilipinas si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.
Ito aniya ang naging resulta na kanilang pagpupulong sa mga naturang Timorese leader.