-- Advertisements --

Naging emosyonal muli ang biyuda ni dating governor Degamo na si Mayor Janice Degamo matapos na makaharap nitong muli ang sampung suspect na idinadawit sa pamamaslang sa kanyang asawa.

Ito ang unang pagkakataon na nakaharap ito ng Mayor Degamo simula ng bawiin ng mga ito ang kanilang mga naunang testimonya.

Kung maaalala, naghain ang sampung suspect ng kanilang affidavit of recantation at iginigiit na nito na sila ay pilinilt lamang ng mga awtoridad na ituro ri Teves at Miranda bilang utak sa pagpatay kay Degamo.

Ayon kay Mayor Degamo, inaasahan na nila ang ganitong senaryo dahil alam nila na mapera ang kabilang kampo.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Mayor Janice Degamo.

Yan ang bahagi ng pahayag ni Mayor Janice Degamo.

Samantala, natapos na ngayong araw ang unang preliminary investigation ukol sa reklamong murder at frustrated murder na inihain laban kay suspended representative Arnolfo Teves Jr.

Hindi naman nagpakita sa naturang pagdinig si Teves at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito umuuwi ng bansa dahil wala umano itong nakikitang sense of fairness sa imbestigasyon.