-- Advertisements --

NAGA CITY – Patuloy pa rin ang isinasagawang checkpoint sa Sitio Bagong Pook, Brgy. Poblacion Iraya, Ragay, Camarines Sur matapos paulanan ng bala ng baril ng mga pinaniniwalaang rebeldeng grupo ang 22IB Delta Company, Philippine Army Patrol base.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Naga sa PNP- Ragay, tumagal umano ng dalawang minuto ang pagpapaputok ng mga rebelde na agad namang tumakas matapos ang insedente.

Nakumpiska sa pinangyarihan ng krimen ang 12 basyo ng bala mula sa cal 5.56 at tatlong basyo ng bala ng M203.

Samantala wala namang naitalang nasaktan sa magkabilang panig.

Kung maaalala noong mga nakaraang linggo lamang nang maitala rin ang magkakasunod na engkuwentro sa ilang bayan sa Camarines Sur.