-- Advertisements --
Peque

Humihingi nang pagdarasal ang mga kaanak ng beteranong film director na si Peque Gallaga para sa agarang paggaling nito.

Ayon sa mga kaanak, naka-confine ang 76-anyos na film legend dahil sa kumplikasyon ng dating health condition.

Nilinaw naman nila na hindi nadapuan ang coronavirus ang si Gallaga at hindi rito nasa comatose.

Sa ngayon, hiniling pa ng pamilya na maging pribado muna sa publiko ang kalagayan ni Peque.

Ilan sa mga sikat na pelikulang nagawa nito ay ang “Oro, Plata, Mata” noong 1982, “Scorpio Nights,” “Virgin Forest,” “Unfaithful Wife,” Shake, Rattle and Roll” series at marami pang iba pa.

Ilan sa marami niyang inaning pagkilala ay panalo bilang Best Director and Best Screenplay sa “Magic Temple” noong 1996 Metro Manila Film Festival kasama si direk Lore Reyes.

Nagwagi rin si Gallaga at Laida Lim-Pérez sa Best Production Design sa pelikula ni Eddie Romero na “Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon” noong 1976 Gawad Urian awards.

Noong 1980, tinanghal din siya sa Best Production Design sa Ishmael Bernal film na “City after Dark.”