Nakahanda ang Kamara na tumulong para mapabilis ang testing at tracing, pati na rin ang paghahanda sa surge capacity ng bansa kasunod nang pagsirit ng COVID-19 cases sa mga nakalipas na araw.
Ayon kay House Committee on Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda, pasok ang daily testing rates ng bansa sa 10 percent positive rate na itinakda ng public health experts ng Harvard at sa 3 percent gold standard ng South Korea.
Pero iginiit nito na may mas ibubuti pa ang testing capacity ng Pilipinas, at nakahanda aniya silang iakyat sa Ehekutibo ang kanilang proposals para magawa ito.
Sa kanilang pag-uusap ni Testing, Tracing, and Treatment Chief, Secretary Vince Dizon kamakailan, sinabi ni Salceda na tiniyak nito sa kanya ang malapit nang pagbukas ng mass testing sites.
“I suggest that these be implemented in areas of strategic economic importance – NCR, CALABARZON, Central Luzon, Metro Cebu, Metro Davao – as soon as possible,” ani Salceda.
Samantala, malaking bagay para mapanatili naman ang consumer at business confidence ang paghahanda at pagpapalakas sa mga ospital at treatment centers para sa COVID-19 surges.
Mababtid na noong Hulyo 5 ay pumalo sa 2,234 ang naitalang bagong COVID-19 cases, at 2,099 naman kahapon, Hulyo 6.