-- Advertisements --

Naka heightened alert ngayon ang Kamara matapos makatanggap ng mga threat o banta.
Ayon kay House Sec. Gen. Reginald Velasco, sinabi nito na nakatanggap ng mga pagbabanta ang ilan sa miyembro ng Kamara.

Bagamat hindi na pinanganalan kung sino ang mga ito at kung ano ang banta na natanggap, kinumpirma ng opisyal na isa sa mga ito ay bantang pagpapasasbog sa Batasang Pambansa.

Kaya kagyat aniya siyang nakipag-usap sa House Sgt. at Arms, para mag higpit ng seguridad.
Itinaas ang heightened alert noon pa naiyang Biyernes.

Maliban sa dagdag na security personnel ay maghihigpit din aniya sila sa mga motorsiklo.
Ngayon ay hanggang sa gate na lamang ang mga motor lalo na ang mga delivery.

Bawal na rin ang mga motorsiklo na magpark o tumambay sa tapat ng anomang gusali sa loob ng Batasan Complex.
Isa kasi aniya sa napansin ng security ang paikot-ikot na motorsiklo sa bisinidad ng Kamara.

Mananatali aniya ang heightened security status hanggang sa magdesisyon ang House leadership na humupa na ang banta.
Maliban naman naturang banta ay mayroon din aniyang mga attempt sa cybersecurity ng Kamara.