Magsasagawa ng disinfection ang Kamara simula bukas hanggang sa darating na Linggo dahil sa bantang hatid ng COVID-19.

Sinabi ni House Secretary General Jose Luis Montales na ito ay kahit wala pa namang confirmed cases ng COVID-19 sa Kamara.

Wala rin namang naitatalang empleyado o kawani na Persons Under Investigation (PUI) o Persons Under Monitoring (PUM).

Una nito, nitong nakalipas na linggo lamang ay ilan sa mga Cabinet Secretaries ang nagtungo sa Kamara katulad na lamang ni Transportation Sec. Arthur Tugade na naka-mandatory self-quarantine ngayon matapos ma-expose sa isang nagpositibo sa COVID-19.