-- Advertisements --
Nakatakdang ipatawag sa House of Representatives ang mga namumuno ng North Luzon Expressway (NLEX).
Ito ay matapos na makatanggap na reklamo sa hindi paggana ng kanilang Radio Frequency Identification (RFID) collection system.
Sinabi ni House Deputy Majority Leader Rep. Erwin Tulfo, ipinarating na nito kay Speaker Martin Romualdez ang nasabing isyu.
Dahil sa nangyaring aberya ng RFID ay nagkaroon ng bigat ng trapiko sa toll gates nitong Miyerkules Santo.
Kasama nilang ipapatawag ang mga namumuno sa South Luzon Expressway (SLEX) at Toll Regulatory Board (TRB).