Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez na gagamitin nito ang oversight function ng Kamara upang matiyak na tama ang paggastos sa 2024 national budget.
Lalo at ngayong tapos na ng Kamara de Representantes ang halos lahat ng panukala na kailangan nitong aprubahan.
Sinabi ni Speaker Romualdez na tutulong ang Kamara kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbabantay sa mga programa at proyekto na popondohan ng 2024 national budget, kasama na ang ayuda para sa mga mahihirap, magsasaka, at mangingisda.
Inihayag ni Speaker na sa mga susunod na araw at buwan,sisimulan na ng gobyerno ang pag roll out ang pamamahagi ng ayuda para sa 12 milyong mahihirap at low-income na pamilya sa ilalim ng bagong programang AKAP o Ayuda sa Kapos ang Kita.
Sa nasabing programa bibigyan ng direct one time cash assistance ang mga ‘near poor’ o pamilya na kumikita ng hindi hihigit sa P23,000 kada buwan.
Sinabi ni Speaker Romualdez na naipakita ng Kamara ang pagnanais nito na mapabuti ang pamumuhay ng mga Pilipino gamit ang kanilang oversight function.
Nagpasalamat si Speaker Romualdez sa kanyang mga kasama sa record accomplishments at “monumental output” ng Kamara mula ng magsimula ang 19th Congress hanggang noong Disyembre 2023.