-- Advertisements --

Nilagdaan ngayong araw ng House of Representatives at Commission on Elections ang isang kasunduan para sa paglulunsad ng Register Anywhere Program (RAP).

Inilunsad ng poll body ang RAP upang mailapit sa publiko ang voters registration, transfer at reactivation ng mga botante bilang bahagi na rin ng paghahanda para sa October 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Pinangunahan nina COMELEC Chair George Erwin Garcia, House Speaker Martin Romualdez at House Committee on Suffrage and Electoral Reform Chair Maximo Dalog Jr. Ang paglagda sa MOA.

Magiging bukas naman ang “RAP@HRep” mula January 25 hanggang January 26 para sa House members, officials, employees, congressional staff, at personnel ng attached agencies.

Sa January 27 naman ang registration para sa kanilang dependents na edad 14-anyos pero mag 15-anyos na pagsapit ng October 30, 2023, o sa araw ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay Garcia target nila makuha ang 1.5 million registered voters.

Kamakailan nagtungo ang Comelec sa probinsiya ng Sulu at Tawi-Tawi para ipaabot sa mga malalayong lugar na maari pa rin na magpa register.

Pinuri naman ni Speaker Romualdez ang Comelec sa kanilang mga innovations para mahikayat ang ating mga kababayan na magpa rehistro.