TACLOBAN CITY – Nagpaabot ng suporta ang ilang mga kaanak at kababayan ni Filiipino-Canadian tennis player na si Leyla Fernandez sa Abuyog Leyte, matapos itong umusad sa finals ng women’s tennis sa US Open.
Ayon kay Marlon Villamor, tiyuhin ni Leyla sa Abuyog, proud na proud ang kanilang buong angkan sa naabot ng 19 taong gulang na tennis player na nagawang matalo ang tatlo sa top-5 players sa isang major tournament.
Dagdag pa nito, na limang taong gulang pa lamang si Leyla nang makitaan ito ng interes at galing sa paglalaro ng tennis kung kaya’t lumipat sila sa Florida upang magtraining kung saan naging coach nito ang kanyang ama na si Jorge Fernandez na isang soccer player sa ecuador.
Ayon pa dito, ay hindi di umano sumasama ang papa ni Leyla sa mga laro nito dahil sa paniniwalang matatalo ito pagnanuod siya sa mismong venue ng laro nga kanyang anak kung kaya’t ang mama nitong si Irene Fernandez ang kanyang nakakasama.
Sa ngayon ay excited na ang pamilya at kababayan ni Marlon Villamor sa Abuyog sa nakatakdang final match ni Leyla bukas at manalo man o matalo ay talagang proud na proud sila sa kanilang kaanak.