Sarado ngayon ang ilang kalsada sa Ortigas Center, Pasig City, na malapit sa naitalang malaking bitak.
Una rito, naging agaw pansin sa mga nagdaraan ang malaking crack, matapos ang malakas na buhos ng ulan kagabi.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Brgy. San Antonio, Pasig City, matapos marami ang natanggap nilang tawag ukol sa namataang butas sa kalsada.
Namataan ang bitak sa ilang bahagi ng Topaz Road, Ortigas Center.
Nilinaw naman ni Phivolcs Dir. Renato Solidum na hindi ito resulta ng lindol, dahil wala namang nangyaring pagyanig kahapon sa nasabing lugar at wala rin fault line na na-monitor ang mga eksperto sa naturang kalsada.
Hinihinalang dulot ito ng paglambot ng lupa sa lugar o talagang may pagkakamali sa kontraksyon ng konkretong daanan.