DAVAO CITY – Kaliwa’t kanang checkpoints ang ipinatayo para sa seguridad ng mga motorista at maging ang mga dadalo sa inauguration na gaganapin sa San Pedro Square sa Lungsod ng Davao.
Sa kasalukuyan, may mga tropa nang naka-stand by sa mga pangunahing lansangan sa buong lungsod.
Ito ay alinsunod sa ipinapatupad na Oplan Panunumpa ng pinagsamang pwersa ng Davao City Police Office, AFP, lahat ng mga Auxilliary Groups na sama-samang magbabantay sa gaganaping aktibidad ngayong araw sa buong Davao City para sa pinakamakasaysayang araw ng panunumpa.
Sa naunang pahayag ng DCPO Region 11 Spokesperson PMAJor. Ma. Teresita Gaspan, all systems go na ang ipinapatupad na seguridad sa gaganaping inauguration.
Kahapon, nagsagawa ng dry run ang mga kapulisan sa San Pedro Square.
Kanina, nagsagawa na ng aerial survey ang 10th infantry division at 1003rd inatntry brigade sakay ng s-70i blackhawk.
Ayon sa kanilang monitoring wala namang namataang banta sa seguridad.










