Tinatayang aabot sa mahigit ₱900-milyong halaga ng mga agri-fishery intervention ang ipinaabot ng Department of Agriculture sa mga benipisyaryong magsasaka at mangingisda ng Western Visayas.
Ang naturang programa ay pinangunahan ito mismo ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ginanap mismo sa Iloilo Convention Center.
Kasama sa ipinamigay ng ahensya ay ang Rice Farmers Financial Assistance, Fuel Subsidy, Kadiwa Financial Grant Program, mga makinarya, at mga kagamitan sa pangingisda.
Nagpaabot rin ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization ng mga farm machineries.
Nagbigay na rin ang Philippine Rural Development Project ng go signal upang masimulan na ang big ticket projects.
Kabilang na rito ang farm to market road, slaughterhouse at feeder port.
Kasabay nito ay nagsagawa ang kalihim ng inspection sa Jalaur River Multi-Purpose Project (JRMP) II ng National Irrigation Administration.
Ang proyektong ito ay inaasahang makatutulong sa pagpapataas ng ani ng palay sa Probinsya ng Iloilo.