Nakuha sa mga personahe ng 1303rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Batallion o RMFB-13 unit ang kalansay sa pinaniniwalaang rebeldeng New People’s Army o NPA member na si alyas Boboy na biktima sa execution. Nakuha ito sa may Purok 16, Sitio Taijan, Bunawan Brook, Bunawan, Agusan del Sur kahapon.
Ang nasabing kalansay ay pinaniniwalaang ang Militia ng Bayan member sa Guerilla Front 14, Northeastern Mindanao Regional Committee na pinatay at inilibing sa kaniyang mga kasamahan.
Pinangungunahan ang nasabing operasyon ni PCPT Michael Daunotan, officer-in-charge sa 1303rd Mobile Company.
Ayon sa nakuhang impormasyon, gusto na umano sa biktima na umalis sa grupo upang makita nito ang kaniyang pamilya na isang taon nang hindi nakapiling simula noong ito ay sumampa sa kilusan.
Ang nasabing kalansay ay binigyan ng disenteng libing sa Libertad Public Cemetery, sa Brgy. Libertad, sakop sa nasabing bayan.