Kalahati umano ng mga Pilipino ang kumbinsido na manunumbalik lamang ang traditional politics kung mananalo sa halalan 2022 si dating senador at presidential aspirant at dating Sen. Bongbong Marcos.
Batay sa resulta ng non-commissioned survey ng Tangere na isang award winning team na nagbibigay ng real time actionable market insights sa para public at private sector noong December 13, lumalabas na mahigit kalahati o 52 percent ng 1,200 na sinurvey mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ang nagsasabing hindi aangat ang kanilang buhay kapag nanalo si Marcos.
Ayon kay Tangere CEO at founder Martin Penyaflor, ang mga mahihirap na sektor ang nawalan ng tiwala kay Marcos kayat maghahanap ng alternatibong leader sa katauhan ni Manila Mayor Isko Moreno at Sen. Manny Pacquiao.
Sinabi pa ni Penyaflor na naniniwala ang mga taga Metro Manila na bumoto noon kay dating Sen. Mar Roxas na kung ito ang nanalo noong 2016 ay wala ring magiging pagbabago sa bansa.
Nabatid na 30 percent lang ng mga sinurvey ang naniniwala na isang strong leader si Marcos.