-- Advertisements --

Hinimok ng isang dating cabinet official ang kasalukuyang administrasyon na huwag makuntento sa isang tugon kontra sa mga issue na may kinalaman sa relasyon ng bansa sa China.

Ito’y kasunod pa rin ng kaso ng pagbangga umano ng isang Chinese fishing vessel sa naka-angklang bangka ng mga Pilipino sa West Philippine Sea.

Ayon kay dating Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Albert Del Rosario, kailangang bumalangkas ng gobyerno ng “mutilateral approach” nang hindi tuluyang malubog ang estado mula sa umano’y pambubully ng Beijing.

“We must also now consider a multilateral approach. For instance, how much longer must our people wait for our government to seek a resolution from the UN General Assembly to promote our arbitral tribunal outcome which is now an integral part of international law?,” ani Del Rosario sa isang statement.

Kailangan na raw tanggapin at harapin ng Pilipinas ang pambabastos ng China sa rule of law kaya dapat umano na makagawa ng hakbang ang pamahalaan para mapanagot ang mga opisyal ng dayuhang bansa na aniya’y kulang din sa aksyon.