-- Advertisements --
Nananatili pa ring prioridad ni Kai Sotto na makapaglaro sa Gilas Pilipinas sa pagsabak nila sa FIBA basketball World Cup na gaganapin sa bansa.
Ito ay kahit na patuloy ang pagtahak niya sa pangarap niyang maglaro sa NBA.
Isa kasi si Sotto na napili na maglaro sa NBA Summer League na gaganapin mula Hulyo 7 hanggang 17 sa Las Vegas.
Mula kasi ng mabigo siyang makuha sa 2022 NBA draft ay maraming mga imbitasyon sa kaniya para maglaro sa NBA Summer league.
Sinabi pa nito na nais pa rin niyang maglaro na hawak ang bandila ng Pilipinas.










