Nilinaw ni Dr. Jaime C. Montoya, executive director ng Council for Health Research and Development, na wala pang malinaw na pag-aaral kung kailangan talaga ang booster shots at kung gaano kadalas ang magiging pagtuturok.
Ayon kay Montoya, ang karamihang nagsasabi pa lang na maganda at mabisa ang booster shots ay ang mismong mga gumagawa ng bakuna.
Aniya, mahalagang magkaroon muna ng independent study, bago tanggapin sa ating bansa ang pagtuturok ng dagdag na panlaban sa COVID-19.
Pinawi naman ng opisyal ang pangamba ng marami na baka sila ma-overdose, dahil wala namang nakikitang ganitong problema sa pagbibigay ng panibagong bakuna.
Gayunman, magiging magastos umano ito, kaya dapat munang unahin ang pagkakaloob ng dalawang vaccine dose sa lahat ng mamamayan na interesadong mabigyan ng bakuna laban sa deadly virus.