-- Advertisements --
Naapektuhan ng malawakang wildfire ang sikat na sand dunes sa France na Dune du Pilat.
Aabot na kasi sa 6,500 ektarya ang nasunog sa kagubatang malapit sa dunes.
Sinabi ni fire service spokesman Matthieu Jomain na mayroong taas ng hanggang 50 metro ang apoy at nagdulot ng makapal na usok sa kapaligiran.
Nagtulong-tulong na ang mahigit 2,000 na bumbero at gumamit na rin sila ng mga eroplano at helicopter para mabilis na maapula ang sunog.
Inilikas na rin ang mga residente malapit sa lugar at maging ang mga local zoo doon ay inilikas na rin.