TACLOBAN CITY – Sugatan ang isang barangay kagawad habang patay naman ang kasama nito sa nangyaring pamamaril sa Brgy Carayman, Calbayog City.

Kinilala ang mga biktima na sina Danny Fernando, 44, isang barangay kagawad; at Plomen Labasan, nasa hustong gulang, at residente ng Brgy Salvacion, Calbayog City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sakay lulan ng isang isang tricycle ang mga biktima nang biglang barilin ng isang lalaking nagpanggap na pasahero.

Nakatakas si Fernando pero si Labasan ay nagtamo ng maraming tama ng bala na siyang dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Patuloy na tinutukoy ng mga pulisya ang motibo at ang responsable sa naturang krimen.