-- Advertisements --
image 460

Naniniwala ang Bantay Bigas na hindi naging epektibo ang mga Kadiwa Center ng Department of Agriculture upang mapababa ang presyo ng bigas ng hanggang sa P25 kada kilo.

Ayon sa tagapagsalita ng grupo na si Cathy Estavillo, libo-libo ang mga Kadiwa Center sa buong bansa ngunit limitado lamang ang naibebentang bigas sa mga ito, habang hindi rin nagiging epektibo ang mga ito upang tulungang mapababa ang presyo ng bigas sa mga merkado sa buong bansa.

Ang mga bigas na ibinebenta sa halagang P25 bawat kilo para sa mga konsyumer ay limitado lamang araw-araw, at minsan ay hindi rin umano nagka-kasya sa mga malalaking pamilya.

Kasabay nito ay pinuna ng grupo ang Administrasyong marcos dahil sa umano’y kabiguan nitong mapababa ang presyo ng bigas sa buong bansa, bagkus ay lalo pa itong tumataas.

Ayon sa grupo, umaabot na sa P42 hanggang P43 ang presyo ng kada kilo ng bigas sa ilang mga pamilihan.