-- Advertisements --
image 3

Nagbigay ang state-run bank ng mahigit P1 billion na loan para sa sektor ng sugarcane mula Enero hanggang Abril ng kasalukuyang taon bilang patuloy na suporta sa industriya.

Sa isang statement, sinabi nila na nabenepsiyuhan ang nasa kabuuang 4,366 indibidwal sa loan disbursements nito na P700.45 million sa ilalim ng Socialized Credit Program-Sugarcane Industry Development Act.

Sa pakikipag-partnership nito sa Sugar Regulatory Administration (SRA), nakapagbigay ito ng suporta sa 2,577 borrowers na kinabibilangan ng 2,567 maliliit na magsasaka, apat na kooperatiba, 5 associations at isang micro, small at medium enterprise mula sa 16 na mga probinsiya sa buong bansa.

Ang Socialized Credit Program-Sugarcane Industry Development Act ng Landbank ay may mababang interest rate na 2% per annum.

Layunin ng programa na mapataas ang productivity ng sugarcane farms sa bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng advanced at cost-efficient farming practices para matulungan ang mga magsasaka na mapag-invest sa modernong pamamaraan ng pagsasaka, pagbili ng high-quality inputs at magkaroon ng kaukulang kagamitan para sa mas maraming ani at mas magandang kalidad ng pananim.